- Lyrics
- Album list
Freddie Aguilar
-
Bulag, Pipi, Bingi
Sa bawat yugto ng buhay, may wasto at may mali Sa bawat nilalang ay may bulag, may pipi at may bingi
Madilim ang 'yong paligid, hating-gabing walang hanggan Anyo at kulay ng mundo sa 'yo'y pinagkaitan H'wag mabahala, kaibigan, isinilang ka mang ganyan Isang bulag sa kamunduhan, ligtas ka sa kasalanan
CHORUS 'Di nalalayo sa 'yo ang tunay na mundo Find more lyrics at ※ Mojim.com Marami sa ami'y nabubuhay nang tulad mo 'Di makita, 'di madinig, minsa'y nauutal Patungo sa hinahangad na buhay na banal
Ibigin mo mang umawit, hindi mo makuhang gawin Sigaw ng puso't damdamin wala sa 'yong pumapansin Sampung daliri, kaibigan, d'yan ka nila pakikinggan Pipi ka man nang isinilang, dakila ka sa sinuman
[Repeat CHORUS]
AD LIB
Ano sa 'yo ang musika, sa 'yo ba'y mahalaga Matahimik mong paligid, awitan ay 'di madinig Mapalad ka, o kaibigan, napakaingay ng mundo Sa isang binging katulad mo, walang daing, walang gulo
[Repeat CHORUS]
'Di makita, 'di madinig, minsa'y nauutal Patungo sa hinahangad na buhay na banal
-
|